ano ba ito? ano ba ang recollection?
nung nasa elementary school(na private school) pa lang ako...
ganito yun:
ang recollection ay isang paraan ng mga teachers upang paiyakin ng bonggang-bongga ang mga estudyante.
yeah, right! iyakan time yun. dasal-dasal. may solemn na music tapos may mga activity. naalala ko rin ngayong na habang sinusulat ko ang entry na ito ay nung unang beses kong maka-experience ng recollection sa isang kwartong naka-locked at sobrang laming eh ipinangak yung isa kong kapatid at yun din yung araw na hindi napanood yung ending nung gundam seed...hindi ko alam kong ano ang nangyari sa mga bida at atribida...
anyway...yun nga. iyak-iyak ako nun dahil sa sulat ng aking ina, masyado daw akong bad. huhuhu....
nung bago ako nagtapos ng high school eh may ganito ulit...ang sabi ko: "ano? recollection na naman? sus me yung ibang batch mate namin eh mga mukhang masusunog lang kapag nagdasal." oh di ba ang bad ko?
natanong ko din sa sarili ko na effective ba ang recollection para maituwid ang landas nung mga ilan na naliligaw sa dilim?
ewan.
at ngayon...ngayong nasa kolehiyo na ako...meron ulit na recollection....
go with the flow ako. ayokong masabihan na kill joy at walang pakisama. yun kahit na alam ko na parang walang pagbabagong magaganap sa "pamilya sa loob ng klase" na ikakabuti ng lahat eh sumama pa rin ako. alam ko na hindi overnight ang pagbabago ng isang tao. alam mo rin siguro yun no? di ba? ang tunay lang naman na dahilan kung ba't sumama ako sa recollection namin ay para makita ang mga emosyon na hindi ko pa nakikita sa kanila. ang plano ko nga paiyakin yung isa kong classmate eh. grabe ang bad ko talaga.
ang purpose lang naman ng blog entry ko na ito ay para iparating na may bagay na mahirap i-recollect. ang recollection ay isang bagay na dapat bukal sa loob na gagawin at hindi lang requirement o para sa pakikisama. dapat may seryosong kagustuhan na magbago at kumunekta ulit kay God. tama naman di ba? hindi naman din dapat kailangang iasa sa ganitong event ang pagababago ng isang tao, isa lamang itong tulong para makilala ang isa't isa sa pamilya at para masabi ang mga bagay na hindi kayang sabihin sa mga ordinaryong araw.
masaya namang mag-recollection kung dadamhin nag liwanag at kung lalabas ka sa kwartong puti na may ngiti sa mga labi.
~ang recollection by experience~
SHARE KO LANG, KWENTONG ESTUDYANTE.
ayoko na mag-drama sa next entry ko :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento