ano ba ito? ano ba ang recollection?
nung nasa elementary school(na private school) pa lang ako...
ganito yun:
ang recollection ay isang paraan ng mga teachers upang paiyakin ng bonggang-bongga ang mga estudyante.
yeah, right! iyakan time yun. dasal-dasal. may solemn na music tapos may mga activity. naalala ko rin ngayong na habang sinusulat ko ang entry na ito ay nung unang beses kong maka-experience ng recollection sa isang kwartong naka-locked at sobrang laming eh ipinangak yung isa kong kapatid at yun din yung araw na hindi napanood yung ending nung gundam seed...hindi ko alam kong ano ang nangyari sa mga bida at atribida...
anyway...yun nga. iyak-iyak ako nun dahil sa sulat ng aking ina, masyado daw akong bad. huhuhu....
nung bago ako nagtapos ng high school eh may ganito ulit...ang sabi ko: "ano? recollection na naman? sus me yung ibang batch mate namin eh mga mukhang masusunog lang kapag nagdasal." oh di ba ang bad ko?
natanong ko din sa sarili ko na effective ba ang recollection para maituwid ang landas nung mga ilan na naliligaw sa dilim?
ewan.
at ngayon...ngayong nasa kolehiyo na ako...meron ulit na recollection....
go with the flow ako. ayokong masabihan na kill joy at walang pakisama. yun kahit na alam ko na parang walang pagbabagong magaganap sa "pamilya sa loob ng klase" na ikakabuti ng lahat eh sumama pa rin ako. alam ko na hindi overnight ang pagbabago ng isang tao. alam mo rin siguro yun no? di ba? ang tunay lang naman na dahilan kung ba't sumama ako sa recollection namin ay para makita ang mga emosyon na hindi ko pa nakikita sa kanila. ang plano ko nga paiyakin yung isa kong classmate eh. grabe ang bad ko talaga.
ang purpose lang naman ng blog entry ko na ito ay para iparating na may bagay na mahirap i-recollect. ang recollection ay isang bagay na dapat bukal sa loob na gagawin at hindi lang requirement o para sa pakikisama. dapat may seryosong kagustuhan na magbago at kumunekta ulit kay God. tama naman di ba? hindi naman din dapat kailangang iasa sa ganitong event ang pagababago ng isang tao, isa lamang itong tulong para makilala ang isa't isa sa pamilya at para masabi ang mga bagay na hindi kayang sabihin sa mga ordinaryong araw.
masaya namang mag-recollection kung dadamhin nag liwanag at kung lalabas ka sa kwartong puti na may ngiti sa mga labi.
~ang recollection by experience~
SHARE KO LANG, KWENTONG ESTUDYANTE.
ayoko na mag-drama sa next entry ko :)
Huwebes, Setyembre 29, 2011
Sabado, Agosto 27, 2011
ang bilog
ano ba ang bilog? yung may pi at tangent...
nung una akong pumasok sa college yung mga seatmates ko yung naging close ko. ikaw? malamang na natural na magiging kaibigan mo yung mga nasa tabi-tabi lang di ba? alangan naman kasing makilala mo agad yung nasa kabilang row? ano yun? magsisigawan kayo? di ba? parang taga-bundok lang ah
tama?
para sa akin, at hindi para sa'yo eh hindi naman talaga maiiwasan ang mga grupo sa isang klase. aaminin ko regionalistic ako. kabilang ako dun sa mga atong choosy sa mga friends. kailangan ng circle of friends sa buhay ng tao.
hahaha...
at ngayong second year na ako, naiba ang section ko. ang galing ko talaga. alam ko na kaagad na yung mga katabi yung mga magiging friends ko, tama ako. lagi ko silang kasama. ngunit dahil sa isang pangyayari eh mawawala sa bilog ang isa sa kanila. ayaw ko talaga ng mga play.
nung high school ako nagkainitan kami ng best friend ko dahil sa play. nahampas ko siya, at ayun basag ang bilog. nasa bilog man kami hindi kami magkatapat. wala na. ang sama kasi ng ugali niya!!! naipon tuloy yung sama ng loob ko sa mga panlalait niya sa akin. bad siya! hanggang graduation, dedma ako sa kanya. dahil ito sa play na ako ang gumawa lahat. sana wag mangyari ngayon. sana wag mabasag ang bilog na unti-unting nabubuo. all we need are friends that stay with us for a life time.
ang bilog...ang circle of friends...pwedeng mabago sa isang iglap. ayon yan sa aking masusing obserbasyon.
unavoidable ang magkaroon ng ganito. lalo na sa mga tulad kong friendly... at hindi naman lahat ay pwedeng tawaging friends, pwede lahat na tawaging acquaintance.
sana maintindihan ng lahat na ganun nga.
expandable naman ang bilog. pero iilan lang sa bilog ang pwedeng tawaging pi.
sa bilog nagsisimula ang bonding. ang bilog din ay may pangalan, kaya nito, "government society". astig ba? political party ba? hindi grupo yan ng mga library girls. miss ko na sila. labing isang babaeng laging nasa library.
ang bilog bow! sana maraming tunay na tao sa bilog mo. nasa desisyon na ng tao kung sino-sino ang mga ituturing niyang kaibagan.
Miyerkules, Agosto 24, 2011
Ang hirap maging estudyante (pambungad na entry)
mahirap maging estudyante. nakaka-stress. nakaka-panget. nakakakinis lalo na kung may mga kaklase kang gahaman sa grade, maingay, insensitive at ayaw mgaing cooperative. hu! stress nga. ang daming activities sa school, mas matagal mo pang kasama ang mga arm chairs at yung black board, ay naku! ang sakit sa bangs. wala naman akong bangs. ay ewan.
ang talagang sinisisi ng mga tulad kong mabuting mag-aaral sa stress ay ang mga teachers, teachers, teachers!!!!!!
best dialogue ng mga tulad ko at tulad mo: Nakakainis si Ma'am. Grabe naman tong pinagagawa ni Sir.
(kahit ganyan sila eh, pagpasensyahan na lang natin...trabaho nila yun)
ay naman oh...ang hirap maging estudyante, lalo na kapag pumasok ka na walang visual aide at kapag malapit na ang pasahan ng project at wala ka pang nagagawa miski isang page. ay naku, ang adrenalin yan...papagawa kang bestfriend ng visual aide at magkakape pa yan para pagpuyatan ang project. ayun obvious pa rin na ito ay ginawa in a rush.
ang hirap maging estudyante lalo na kung papasok ka sandamakmak na assignment ang nakalimutan mong gawin. hala lagot na...advantage na lang kapag friendly ka. alam na.
ang hirap maging estudyante lalo na kung pagkauwi mo eh machine gun ng magulang mo ang sasalubong sa'yo. "grabe na wait! nay, tay please lang stress ako. keep quiet muna"---ayan ang sinasabi ng mga tulad kong pasaway bago pa magsimulang magrelease ng bala ang machine gun ng parents ko. hindi ko intensyong ipagaya ito sa inyo, iba-iba ang parents natin no. respect pa rin natin sila. kahit anumang mangyari sila ang dahilan kung bakit tayo buhay at nakakapag-aral. tama? tama yan. ang kumontra may batok sa akin.
mahirap maging estudyante lalo na kung marami kang affiliations, club o lectures? marami akong kakilala na puro clubs ang inaatupag para magkaroon ng award sa graduation (nung high school kami ganyan ang senaryo). naranasan ko namang sumali sa mga interest clubs maswerte kapag may kailangang gawin eh walang teacherm ayun runner ako, tagapagpahayag ng announcements ng Interact Club. Mamimili ka lang kung ano talaga ang priority mo.di ba si ano... ganyan ang ginagawa...
mahirap maging estudyante kapag hindi ka committed sa ginagawa mo. mahirap kung uunahin mong tingnan ang picture ng sinisinta mo at buong araw mong titignan ang picture, nag-aantay na matunaw ang larawan kaysa basahin ang mga notes na isinulat mo sa klase. magdo-dota ka muna bago pumunta sa google para i-research ang pinahahanap ng teacher mo. pocket books ang madalas mong basahin at hindi yung mga text books mo. mas madalas ka sa sm kaysa sa library. magtetext ka muna (gm) bago ka mag-trial and error sa math. mahirap mag-concentrate kung ayaw mo naman ng ginagawa ko, marami kang chechebureche bago magbasa o kaya naman ay habang buhay mangongopya sa classmates ko. (i hate cheaters!!! nung high school ako ultimo nasa top ten eh ang galing mangopya, kainis kasi ako yung kinokopyahan!) di ba? ganun lang yun eh. mahirap talagang mag-aral lalo na kung ang habol mo lang eh yung allowance mo. may natamaan, aray ang sakit!
hindi naman mahirap mag-aral kung mahirap ka lang. kung may kapansanan ka. hindi naman hadlang yun eh. maraming mabuting paraan tamad ka lang mag-isip kaya mahirap para sa'yo. nasa tao naman yan kung papaano titiningnan ang isang bagay.
Ang sarap maging estudyante sabi ng nanay ko, ng tita ko at nung mga teachers ko. tatanggap ng baon kahit may failing grade. may bagong damit tuwing Pasko at pasukan. walang mabigat na problema (maliban na lang kung gagawa ka) sa buhay. pwedeng humilata lang. basta masarap daw ulit maging estudyante...pinaka masayang parte ng tao ang pagiging estudyante, ang kabataan, ang kasiyahan. priviledge kaya ang makapag-aral, maswerte ang lahat ng mga mapalad na nakakapag-aral at nakapag-aral. dapat maging thankful tayo kung edukado tayo. nakakaawa kaya yung mga nanlilimos at mga juvenile workers, instead of holding a pen and sitting on a chair, eh nagtatrabaho sila.
Masayang maging estudyante.
salamat sa kung sino man ang nagbasa, promise next time hindi na serious. magj-joke ako. hahaha. ang masapol eh ayun eh. kwentong estudyante di ba, mga friends?

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)